Wednesday, May 23, 2012

MEMA KA BA OR MAMARU?

Tagalog post: Kasama ko mga bago kong barkada noong isang araw at may 2 salita na ngaun ko lang narinig. MEMA at MAMARU. Ngayon akin ka ba dito? Kung di nyo pa alam, explain ko ng konti.

Naisip nyo na ba na sa bawat pag-uusap na nangyayari sa araw-araw, iba-iba ang lebel ng pagkakaintindi ng mga tao. Paano ka nakakasiguro na lahat ng naririnig mo at tama at totoo. Dito pumapasok ang 2 uri ng tao, ang MEMA at MAMARU.

MEMA ka kung sa bawat usapan, bigla ka na lang papasok at sasabat ng kahit anong bagay kahit wala sa kasalukuyang pinag-uusapan. Bakit MEMA? MEMA ay pinaikling "Me Masabi Lang". Ngayon alam mo na.

Eh ano naman ang MAMARU? Ito naman ang mga taong feeling lahat ng bagay ay alam. Sa bawat usapan, hindi mawawalang wala siyang masasabi. Mukhang intelektwal at makatotohanan pero may pagkakataon na hindi naman o malayo sa realidad. Yan ang MAMARU - "Mamarunong Lang".

Salamat sa BB Group ko na "Wild Ones".

No comments:

Post a Comment

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...